Kylie Padilla at Aljur Abrenica, hiwalay na ayon kay Robin Padilla


Kinumpirma ni Robin Padilla sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na hiwalay na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica dahil umano sa third party.

Ayon sa action star, hindi raw siya nakikialam sa marital problems ng kanyang mga anak, lalo na kay Kylie dahil naniniwala siya na sila lang ni Aljur ang makakaayos ng mga issue nila bilang mag-asawa.

Tinanong ni Ogie si Robin kung paano niya hinarap ang isyung hiwalayan ng mag-asawa, “Wala, wala namang…una, walang sinasabi yung anak ko.

“Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, ‘Agrabyado ka ba?’ Hindi naman daw, ‘Okay lang ako, Pa.’

“Ito, noong tinanong ko siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e,'” pahayag ng aktor.
Sa kabila nito, umaasa ang aktor na magkakabalikan ang dalawa.

“Sana kasi para sa mga bata, sa mga anak nila. At sana ‘wag naman nila patagalin kung magbabalikan naman sila, eh kaagad kasi ‘pag tumagal ‘yan, masyado nang maraming mangyayari.,” ayon kay Robin.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form