Mga plano ng TV5 patungkol sa Analog Shutdown, alamin!


Mga Kapatid, alam nyo ba na simula pa lang noong 2019 ay pinlano na ng TV5 ang pagpatay sa analog signal nito?

Noong 2019, sinabi ni noo'y TV5 President and CEO Jane Basas na year-by-year ang magiging proseso ng Kapatid Network sa paglipat nito sa Digital Terrestrial Television o DTT, ang makabagong paraan ng pagbo-broadcast ng mga TV Networks, ayon sa inilatlahala na artikulo ng bilyonaryo.com.

Ayon kay Basas, ang mga plano ng TV5 ay ang mga sumusunod:

• Unang analog shutdown ay mangyayari sa Kalakhang Maynila o ang Metro Manila na naka-plano na gawin sa huling bahagi ng 2020.

• Susunod naman ay ang ilang parte ng Luzon na naka-planong gawin sa 2021.

• Isusunod naman ang ilang parte ng Visayas at Mindanao by 2022.

• Ang full digital TV shift ng Kapatid Network ay naka-plano na by 2023.

Pero dahil sa ilang pangyayari ay hindi ito natuloy.

Hindi na ito bago lalo na't mismong 3 beses ng nagkaroon ng deadline ang National Telecommunications Commission o NTC ng pagpatay sa analog.

Una itong naka-plano noong 2015, ngunit nalipat sa taong 2019. Ngayon, target ng ahensya na tuluyan ng patayin ang analog sa huling bahagi ng 2023.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapalakas ng TV5 sa digital signal nito. Sa katunayan, available na ang digital signal ng TV5 sa Mega Manila at Cebu, samantalang malapit na rin umarangkada ang digital signal ng Kapatid Network sa Davao at Cagayan de Oro.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form