Nakamit ang ginto; Hidily Diaz, gumawa ng historic win para sa Pilpinas


Gumawa ng kasaysayan para sa bansang Pilipinas ang itinuturing ng "Queen of Philippine Weightlifting" na si Hidilyn Diaz.

Nakuha ni Hidilyn ang unang olympic gold para sa bansa sa 55kg weightlifting event sa Tokyo 2020 Olympics ngayong Lunes.

Nakapag-record ng 224kg si Diaz na itinuturing na isang Olympic record para maselyohan ang panalo para sa bansa. Ang kanyang gold medal-winning lift na 127kg ay itinuturing din na isang Olympic record.

Ito ang unang gold medal na nasungkit ng bansa mula ng unang sumali ito noong 1924 Summer Games, 96 na taon na ang nakakalipas.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form