ON THIS DAY 2012: Pumanaw si ’King of Comedy’ Dolphy, sa edad na 83


July 10, 2012, 8:34PM ng pumanaw ang tinaguriang "King of Comedy" na si Rodolfo Vera Quizon, Sr. na mas nakilala ng Pilipino bilang si Dolphy sa edad na 83 dahil sa Multiple organ failure secondary to complications na dala ng kanyang Pneumonia, Chronic obstructive pulmonary disease at Acute renal failure.

Habang live na umeere ang kanyang primetime game show sa TV5 na Wil Time Bigtime ay tinawagan ng kapartner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla si Willie Revillame upang ihayag ang malungkot na balita.

Sa mga huling taon niya, pinasaya ni Mang Pidol ang ating mga Linggo ng gabi sa kaniyang seryeng "Pidol's Wonderland" na umere noong 2010-2013 sa TV5.

Nagkaroon din ng isang special episode ang programa nya sa TV5 na Pidol's Wonderland na alay sa Hari ng Komedya na naging tahanan din ang Kapatid Network ng humigit kumulang 2 taon. Ito ay ini-host ng "Prince of Comedy" na si Vic Sotto.

Matapos ang dalawang buwan, nagkaroon ng isang malaking event na tinawag na "Dolphy Alay Tawa", isang concert na nagbibigay pugay sa hari ng Komedya na pinangunahan ng 3 malalaking istasyon sa Pilipinas; ABS-CBN, GMA, at TV5. 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form