TV5 magkakaroon ng TV remake ng blockbuster movie na ‘Nakagapos Na Puso’; Ryza Cenon at Ella Cruz, napipisil na bumida


Magkakaroon ang TV5 ng remake ng Nakagapos Na Puso, ang blockbuster movie nina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino na ipinalabas sa mga sinehan noong November 12, 1986.

Sina Ryza Cenon at Ella Cruz ang mga napipisil para muling magbigay-buhay sa mga karakter ng magkapatid na Elisa at Elaine Fajardo sa Nakagapos Na Puso.

Isa sa mga hindi malilimutang hugot na linya mula sa Nakagapos Na Puso ay ang dialogue ni Sharon na “Oo Ate, oo Ate. Puro na lang ako oo Ate! Para akong manyikang de susi!” sa confrontation scene nila ni Lorna.

Ito ay tungkol sa isang dalaga na habang buhay na namumuhay sa ilalim ng anino ng kanyang kapatid na mas matalino at mas napapansin ng ibang tao.

Alam niya na kahit na anong gawin niya ay hindi niya malalamangan ang kapatid nito. Masaya pa rin naman sya sa kanyang buhay lalo't alam niya na namumuhay sya ng natahimik at walang gaanong iniisip na problema.

Pero kahit ang mga taong masunurin at mas marunong makisama sa ibang tao ay mayroon ding gustong magawa.

Dumating ang araw na kanyang napagtanto na hindi habang buhay na nasa anino lang siya ng ibang tao at kailangan nyang matutong magsalita ng para sa kanya. – (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form