PBA, sure ball na ang muling pag-arangkada sa July 16


Handa na ba kayo sa muling pagbabalik ng liga ng bawat Pilipino?

Matapos makakuha ng GO signal mula sa Inter-Agency Task Force o IATF, kasado na sa July 16 ang pagbabalik ng Philippine Basketball Association o PBA na nakatakdang ganapin sa Ynares Sports Arena sa Lungsod ng Pasig.

“The IATF has already approved the resumption of the PBA in a meeting yesterday. The PBA will start on July 16,” ayon kay Games and Amusement Board (GAB) chairman Baham Mitra.

Ang huling PBA game ay naganap noong December 2020 kung saan nakuhang talunin ng Barangay Ginebra Kings ang TNT Tropang Giga, 82-78 sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga.

Matatandaang noong Marso pa talaga naka-plano ang pagbabalik ng PBA ngunit hindi natuloy dahil sa muling paghihigpit ng gobyerno sa NCR Plus dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Ito na ang ikalawang beses na gaganapin ang PBA sa gitna ng pandemya.

Mapapanood ang mga laro ng PBA sa TV5 at One Sports sa free TV at digital, at sa PBA Rush sa cable.

Napapanood din ang livestreaming ng TV5, One Sports at PBA Rush sa Cignal Play. – (Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form