Pag-asa ng Philippine boxing, lalong tumaas sa pagkapanalo ni Carlo Paalam


Lalong tumaas ang pag-asa ng Philippine boxing sa pagkapanalo ni Carlo Paalam sa quarter-finals laban kay Mohamed Flissi ng Algeria.

Unanimous ang pagka-panalo ng 23-year old boxer mula sa Cagayan de Oro City matapos ibigay ng 3 judges ang panalo sa lahat ng 5 rounds kay Paalam, laban kay Flissi na isang 3-time Olympian na nagtapos sa 5th place sa Rio 2016 at 2-time World Championship medalist. 

Dahil dito ay muling tumaas ang pag-asa na lalong makilala ang mga Pinoy pagdating sa boxing, ito ay matapos makabawi ni Paalam sa pagkatalo ni Irish Magno noong Huwebes kay Jutamas Jitpong ng Thailand sa women's flyweight round.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form