Star Cinema Movies, bibida narin tuwing weekend sa TV5!

Mas pinalakas at mas pinatatag na partnership na ang maaasahan sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Simula sa August 14 (Sabado) at August 15 (Linggo) ay mapapanood na ang mga blockbusters at critically-aclaimed movies ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN sa Kapatid Network.

Maliban dito ay mapapanood rin ang ilan nilang pelikula sa isa pang movie block ng TV5 na Cine Cinco, na umeere tuwing Lunes, Martes at Huwebes pagpatak ng 2:45PM.

Ang opening salvo nito ay ang dalawa sa hit trilogy ng tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, ang A Very Special Love sa Aug. 14 at You Changed My Life sa Aug. 15

Mapapanood ang mga pelikula ng Star Cinema pagpatak ng 10AM tuwing Sabado bago mag Lunch Out Loud, at Linggo bago mag ASAP Natin 'To!

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form