Ratings ng TV5, patuloy na umaangat


Mula na'ng ilunsad ang IBA sa 5 campaign ng TV5 Network, nito lamang Mayo, umalagwa agad sa 89% growth ang total viewership ng TV5 ayon sa mapagkakatiwalaang ratings provider na AGB Nielsen.

Patunay rito ang lumalakas weekly primetime block kung saan nakahilara ang primetime newscast ng TV5 na Frontline Pilipinas sa pangunguna nina Idol Raffy Tulfo at Cheryl Cosim. 

Kasunod naman ng newscast ang original videoke kantawanan ng bansa na Sing Galing at Niña Niño. 

Tila nakatulong rin naman sa pag-alagwa ng ratings ng network ang mga primetime shows ng Kapamilya Network, kabilang ang FPJ's Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init Sa Magdamag at La Vida Lena.

Mula sa dating 5.3 na audience share noong Enero, biglang namayagpag ito sa 12.9 doble sa naitala noong Enero ng taong ito.

Hindi naman nagpapahuli ang weekend primetime ng TV5 kung saan kabilang dito ang Rolling In It Philippines, Puto, The Wall Philippines, John En Ellen at Encounter, dahil mula 4.2 noong Enero umakyat ang audience share ng Kapatid Network sa 6.9 nitong Hunyo.

Bukod sa Luzon, pumalo rin sa 150% ang audience share ng network sa Visayas at sa Mindanao sumampa ito sa 134%.

Pahayag naman ni TV5 President and Ceo, Robert P. Galang, ”We are thilled that more and more
viewers are tuning in to our shows”.

“We will continue to challenge
ourselves to do even better, and we
promise to keep creating shows that delight all kinds of audiences” dagdag pa ni RPG.

Nagpasalamat naman sina Raffy Tulfo at Cheryl Cosim sa mga patuloy na tumatangkilik sa TV5.

“Gusto namin magpasalamat sa lahat ng tumatangkilik sa Kapatid Network,” ani Idol Raffy Tulfo.

“Ang inyo lang mainit na pagsuporta, patunay lang na IBA sa 5!”, ani naman ni Cheryl Cosim.

Samantala, palalakasin rin ng Kapatid Network ang signal sa North and Central Luzon, Visayas at Mindanao, bago matapos ang Hulyo.

Kaya mga Kapatid, abangan mas malawak at mas pinalakas pang samahan dito sa TV5 dahil IBA sa 5!





Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form