‘Love On da Move’ at ‘Sunday Kada,’ matutuloy pa ba?

Tuloy pa nga ba ang mga programa ng Brightlight Productions na "Sunday Kada!" at "Love on da Move"?

Ito ngayon ang tanong ng ilang mga Kapatid dahil tila wala ng naging update sa dalawang programang ito.

Noong Abril, napabalita ang pagbabalik sa ere ng Sunday Kada matapos sabihin ng isa sa cast nito na si Jayson Gainza sa kanyang IG na sa April 18 ito magbabalik, ngunit hindi na natuloy.

Noong February naman dapat mag-uumpisa ang romantic series na Love on da Move na joint production ng Brightlight Productions at Star Cinema ng ABS-CBN ngunit hindi rin natuloy.

Sa ngayon, may ilan ding umaasa na eere ito sa ilang platforms ng ABS-CBN tulad ng A2Z Channel 11 at Kapamilya Channel, lalo na't umeere din dito ang isa pang Brightlight show na Rated Korina.

Sa ngayon, ating hintayin ang anunsyo ng Brightlight Productions kung ano ang plano nila sa mga programang ito. – (Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form