ALAMIN: Mga paraan para mapanood ang Tokyo Olympics 2020



Malapit ng mapanood ng mga Pilipino ang 2020 Tokyo Olympics, isang taon matapos itong ma-postpone dahil sa COVID-19 Pandemic.

At ngayon, maraming paraan para mapanood ito ng mga Pilipino simula sa July 23.

Display Description of your ad here


FREE TV
• Bilang official broadcaster ng Tokyo Olympics, mapapanood ang mga laro nito sa free TV sa pamamagitan ng TV5 at One Sports.

Ang TV5 ay available sa free TV Channel 5, digital boxes at sa mga cable providers sa buong bansa.

Ang One Sports naman ay available sa free TV Channel 41, digital boxes at sa mga cable providers sa buong bansa.

PAY TV/CABLE:
• Mapapanood din ng ating mga Cignal subscribers ang mga laro sa One Sports+ na available sa Cignal at makikita sa CH. 91 (SD) at CH. 261 (HD).

Magkakaroon din ng 2 pop-up channels ang Cignal para sa Olympics.

ONLINE
• Ang livestreaming ng TV5, One Sports at One Sports+ ay available din sa Cignal Play App.

Mago-offer din ang PLDT ng 10 channels na para lang sa Olympics na pwedeng pagpilian ng Triple Pay subscribers.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form