Yam Concepcion, nakatakdang ikasal sa non-showbiz dyowa

Nakatakda ng ikasal ngayong Hulyo si Init sa Magdamag star Yam Concepcion sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng.

Idinetalye ng aktres sa ABS-CBN News ang iba pang storya ukol sa nalalapit nitong kasal.

Ayon kay Concepcion, inaayos na nila ang lahat ng kailangan ayusin sa kanilang pribadong kasal na dadaluhan ng kanilang pamilya, mga kamag-anak sa US at malalapit na kaibigan na naka-base sa New York City.

Inaasahang hindi maapektuhan ng kanyang kasal ang teleserye nito dahil canned series na ang Init sa Magdamag.

"Since nandito tayo sa US ikaw lahat magpa-plan nun. Wala akong tagatulong [in] planning all these things. Hindi naman siya grand celebration, we just want it very simple and very intimate. Ako lahat. Stressful pala siya talaga," saad ni Concepcion.

Dalawang buwan na nasa New York si Yam at ini-enjoy ang quality time kasama ang kanyang soon-to-be-husband.

Samantala, di naman matatawaran ang galing sa pag-arte ni Yam na mas lalong naging usap-usapan dahil sa mga trending na eksena nito sa Init sa Magdamag.

Napapanood ang Init sa Magdamag, gabi-gabi, 9:20PM sa Todomax Primetime Singko ng TV5

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form