Court of Appeals, ibinasura ang petisyon ni Edu Manzano vs. TV5


Ibinasura ng Court of Appeals o CA ang petisyon ng aktor at dating public servant na si Eduardo B. Manzano, mas kilala sa screen name na Edu Manzano upang baliktarin ang naging hatol ng hukuman noong 2019 na ibasura ang kaso nito laban sa Associated Broadcasting Company o TV5.

Sa desisyong lumabas noong August 17, 2021, nakalagay dito na: “It a settled rule that the law will not relieve a party from the consequences of the contract it entered with all the formalities and with full awareness of what they are doing.”

“The courts have no choice but to enforce such contract so long as it is not contrary to law, morals, good customs or public policy,” ayon sa desisyong isinulat ni Associate Justice Florencio M. Mamauag Jr. na sinang-ayunan ni Associate Justices Zenaida T. Galapate Laguilles at Carlito B. Calpatura.

Nag-ugat ang lahat ng ito nang tanggihan ng kampo ni Manzano ang TV project na "Quiet, Please!: Bawal ang Maingay" noong 2014 na kung saan kalaunan ay napunta ang hosting job kay ngayo'y Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Ang ibinigay na dahilan ng kampo ni Manzano ay dahil hindi daw nababagay sa personalidad at imahe ni Manzano ang show.

Matapos ang ilang meetings ay nakitaan ng TV5 management na hindi sapat ang dahilan ni Manzano kung kaya't nagdesisyon ang mga ito ng bawasan ng P2.6 million ang P63 million talent fee ni Manzano nung pumirma ito ng kontrata sa TV5 noong 2011.

Ang siste ay hahatiin sa apat na buwan ang P2.6 million na TF na ibabawas kay Manzano.

Ang banat ng kampo ni Edu, hindi raw malinaw kung paano cinompute ang pagbawas sa TF nito.

Nang hindi magkaintindihan ay nagsampa ng kaso sa Makati City Regional Trial Court si Manzano laban sa Kapatid Network.

Noong 2019 ay ibinasura ng Makati RTC ang kasong isinampa ni Manzano laban sa TV5 dahil sa kawalan ng merito. Nakasaad din dito na si Manzano ang mismong lumabag sa talent agreement nito ng tanggihan ang game show.

Sinubukan ni Manzano na iapela ang desisyon sa Court of Appeals o CA pero pinanigan din ng CA ang desisyon ng Makati RTC.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form