Eumir Marcial, binatikos rin noon dahil sa “Training Funds”


Kagaya noon ni Tokyo 2020 gold medalist Hidilyn Diaz, isa rin ang Filipino boxer na si Eumir Marcial sa mga atletang nanawagan ng suportang pinansyal para sa kanilang laban sa Tokyo Olympics.

Pero imbes na suporta para sa boksingero, na ngayon ay may sigurado nang medalya, batikos ang natanggap nito.

Noong Mayo sa kanyang FB post ay naglabas ng saloobin si Marcial ukol sa diumano'y kulang na suportang pinansyal na ibinigay sa kanya ng gobyerno dahil hindi daw iyon sapat sa gastusin nito sa Estados Unidos.

Mga taong walang alam sa sports tahimik nalang kayo! Hindi niyo alam ang katotohanan. Since last year nong nasa United States ako hanggang ngayon dito sa Zamboanga City tingin niyo sapat ang P43,000 monthly allowance para sa preparation para sa Olympics? (which is allowance ko ‘yun sa sarili ko as a national athlete),” ayon sa post ni Marcial.

Ang salaysay na ito ay nangyari matapos manindigan ang Association of Boxing Alliances in the Philippines at Philippine Sports Commission na lalo pa nilang tinulungan si Marcial sa pinansyal na aspeto.

Kahit na sinuportahan sya ng mga tagahanga, binatikos pa din ng iba si Marcial at sinabing masyadong sobra daw ang hinihingi nito.

Noong August 1, halos 3 buwan na ang nakakalipas ng i-post yan ni Marcial ay nanalo ang 3-time gold medalist sa Southeast Asian Games laban kay Arman Darchinyan sa men's middleweight quarterfinals.

Dahil dito ay sigurado na ang bronze medal ni Marcial. Ang susunod na laban nito ay sa August 5, Huwebes sa isang semi-final set laban kay Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form