PBA games tigil muna


Nagdesisyon kahapon ang Philippine Basketball Association (PBA) na pansamantalang suspindihin ang 2021 Philippine Cup simula ngayon.

Ito ay dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19 Delta variant infections sa National Capital Region (NCR) na isinailalim sa General Community Qua­rantine (GCQ) with heigh­tened and additional restrictions simula noong Hulyo 30 hanggang Agosto 5.

Sa katunayan ay noong katapusan ng Hulyo pa nagkaroon ng dagdag na paghihigpit sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened and additional restrictions sa kabisera hanggang Huwebes bago ang dalawang linggong ECQ kung saan isasara muna ang mga sports courts at gyms.

“The Philippine Basketball Association (PBA) is temporarily suspending its Philippine Cup games starting August 4 in support of the government’s directive in addressing the unwanted rise of COVID-19 Delta variant infections,” pahayag ng PBA.

Kaugnay nito ay may nailatag nang plano ang PBA na lumipat muna mula sa Pasig papuntang Batangas pansamantala kung papayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Naghihintay na lamang ang PBA ng desisyon ng IATF at Department of Health matapos magsumite ng liham noong nakaraang linggo sa paghingi ng clearance na maipagpatuloy ang mga laro sa Lipa City.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form