Kita ng Cignal umakyat sa halos ₱500M, maituturing na ‘magnificent’ – MVP


Matapos ang ilang taon na hindi ang maganda ang kita, maganda na muli ang estado ng Cignal at TV5 kung kita ang pag-uusapan. 

Sa panayam ng programang The Chiefs ng One News kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan, lalong tumaas ang ratings ng mga programa ng TV5, magmula news hanggang entertainment.

“They’re growing,” ani Pangilinan

Matatandaang lalong lumobo sa 12.9% ang audience share sa weekday primetime ng TV5 nitong June dahil sa malakas na mga programa nito tulad ng Frontline Pilipinas, Sing Galing, Niña Niño at ng mga teleserye ng ABS-CBN sa pangunguna ng FPJ's Ang Probinsyano.

Hindi rin matatawaran ang lakas ng TV5 sa weekend primetime makaraang makapagtala ng 6.9% audience share, dahil ito sa lakas din ng ilang weekend primetime shows nito tulad ng Rolling In It Philippines, The Wall Philippines, POPinoy, Rated Korina, Puto at Encounter.

Dahil dito ay naselyohan ng TV5 ang pagiging TUNAY na #2 most watched TV network sa bansa.

"Magnificent" din kung maituturing ni MVP ang kita ng Cignal na umabot sa P510M sa first half ng 2021, kung saan konti na lang ay maaabot nito ang target nitong P1 billion sa buong taon.

“Cignal is in a position now to help TV5 without subsidy from PLDT…We could sense the keen interest internally in PLDT to support (TV5)… Cignal, they’re on their own, they can fend for themselves,” saad ni Pangilinan.

Inihayag din na hindi lang ang on-cam talents at producers ng Kapatid Network ang makakatanggap ng bonus, dahil pati daw ang mga cameramen at mga backroom staff, makakakuha din.

– sa panulat ni Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form