PBA, posibleng magbalik sa Agosto 29


Handa ka na ba sa pagbabalik ng liga?

Ayon sa source ng Spin.ph, isang sports-oriented website, posibleng magbalik ang mga laro ng Philippine Basketball Association o PBA sa August 29, Linggo sa isang magastos na "semi-bubble" setup sa Pampanga.

Ayon sa artikulo, pumayag na daw ang mga team captain sa pangunguna ni Ginebra superstar LA Tenorio na gagastos sila para maipagpatuloy na ang mga laro sa Clark, Pampanga.

Matatandaang inihinto ng pamunuan ng PBA ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City matapos isailalim ng gobyerno sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Metro Manila noong August 6, Biyernes dahil sa banta ng mas nakakahawang delta variant ng COVID-19.

Ayon din sa source ng Spin.ph, ang plano ay dalhin sa Pampanga ang mga delegado ng PBA upang isailalim sa RT-PCR test at quarantine sa August 21, at muling ituloy ang laro sa August 29.

Pwede rin daw mamili ang mga team kung saang hotel nila gustong mag check-in, hindi daw katulad noong nakaraang season na kung saan lahat ng teams ay nasa Quest Hotel sa Clarkfield, Pampanga.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form