PBA, tuloy ang laban balik aksyon sa Setyembre 1


Balik aksyon na uli ang liga ng bawat Pilipino.

Muli nang aarangkada sa September 1, Miyerkules ang mga laro ng Philippine Basketball Association o PBA.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nakakuha na sila ng approval mula kay Governor Dennis "Delta" Pineda upang ituloy ang mga laro ng liga sa probinsya ng Pampanga.

"Hinihintay na lang natin ang confirmation kasi may verbal agreement na kami. Hinihintay ko na lang ang formal letter kay Gov," ayon kay Marcial.

Matatandaang nahinto ang mga laro ng PBA na isinasagawa sa Ynares Sports Arena sa Lungsod ng Pasig matapos ilagay ng pamahalaan sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Metro Manila dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Muling mapapanood ang mga laro ng PBA sa TV5 at One Sports sa free TV at digital boxes, PBA Rush sa cable at available naman ang livestreaming sa Smart Sports at Puso Pilipinas sa FB na available lang sa Pilipinas.

Ang livestreaming ng TV5, One Sports at PBA Rush ay available sa Cignal Play App.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form