Long Mejia, todo-sorry kay Ellen makaraang tawaging “unprofessional”


Agad na humingi ng dispensa si Long Mejia kay Ellen Adarna matapos siyang magbitaw ng akusasyon ng pagiging "unprofessional". 

Si Long ay gumaganap bilang si "Mr. Tange" sa Kapatid comedy sitcom na #JohnEnEllenTV5 na pinagbibidahan mismo ni Ellen Adarna at John Estrada na kamakailan lang ay matagumpay ang pagtatapos ng Season 2 noong nakaraang Linggo dahil sa mataas na ratings. Pero sa kabila ng magandang pagtatapos, nababalot ngayon ng intriga ang nangyari sa huling araw ng "lock-in" taping ng show.

Nag-ugat ang isyu nang lumabas ang balita na nag-"walk out" di-umano si Ellen sa kalagitnaan ng kanilang shooting at pagkakaroon daw nito ng "attitude problem" sa set ng show.

Bagay na kinumpirma ni Long sa isang interview, nasaksihan daw niya kung papaano agad umalis si Ellen sa set nang hindi pa raw natapos ang kanyang eksena nung nakasalubong ang isang production staff ng show sabay nagsabing, "Bye!". Naroon din ang fiancee ni Ellen na si Derek Ramsay upang sunduin siya.

Dahil dito ay hindi niya mapigilang magbitaw ng masakit na salita kay Ellen nang sabihin niya, "Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat, ha?" dahil sa labis niyang pagka-dismaya sa pagiging "unprofessional" ni Ellen matapos ang pangyayaring iyon. Dagdag niya, kinakailangan daw ni Ellen na mag-"public apology" sa mga taong iniwan niya sa set.

Ngunit kinontra ito ng kaibigang si John Estrada na isa sa mga bida ng show ang mga naging pahayag ni Long laban kay Ellen, wala raw siyang nakikitang problema kay Ellen at maayos daw niyang natatapos ang kanyang eksena. Maging si Derek ay nabigla sa lumabas na isyu.

Sinagot naman ni Ellen Adarna ang mga paratang sa kanya ni Long. Sa Instagram comment naglabas ng kanyang pahayag. Mariin niyang itinanggi na nag-"walk out" siya sa set. Umalis daw siya ay dahil sa sumusunod daw siya sa napagkasunduan na "cut-off" time niya sa set kahit daw ay nag-extend siya ng isang oras. 

Aniya ay may resibo raw siya bilang pagpapatunay. Isa rin sa dahilan ay ang pagsunod niya sa health protocols, alam niya raw ang kanyang karapatan at aniya ay may protocols daw na dapat sundin dahil kapakanan niya ang kanyang kalusugan at maka-iwas sa sakit lalo na sa COVID-19.

Di nagtagal ay agad binawi ni Long ang lahat ng kanyang sinabi at panay ang kanyang paghingi ng dispensa kay Ellen. Giit niya, wala raw nag-inform sa kanya tungkol sa napagkasunduang "cut-off" ni Ellen at hindi raw niya alam ang mga nangyayari sa paligid. 

Ang mga sinabi niya noon ay dala raw ng kanyang emosyon o bugso ng damdamin dahil sa mahal niya ang 'John En Ellen'. Humingi rin siya ng tawad kay Derek dahil sa tinawag niyang P.A. o personal assistant ni Ellen, aniya ay biro lang yun. Hiling niya na wag sana magalit sina Ellen at Derek sa kanya.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form