PBA, itutuloy sa Pampanga


Tuloy ang liga ng bawat Pilipino.

Binigyan na ng Inter-Agency Task Force o IATF ng GO signal ang Philippine Basketball Association o PBA matapos ihinto ng liga ang mga laro nito dahil sa paglalagay sa Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine o ECQ dahil sa banta ng COVID-19.

Bago magka-ECQ ay isinasagawa ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Lungsod ng Pasig.

Kinumpirma ni PBA Commissioner Willie Marcial na target nilang gawin ang mga laro sa Pampanga, bagaman wala pang pinal na desisyon.

Ayon kay Marcial, makikipag-usap sila sa LGU ng Pampanga ukol dito.

Sa kasalukuyan, nasa Modified General Community Quarantine o MGCQ ang probinsya ng Pampanga, ang pinakamababang quarantine status sa bansa, sa ngayon.

Unang tinarget ng PBA na ituloy ang mga laro sa Lipa, Batangas ngunit hindi natuloy matapos isailalim sa GCQ with Heightened Restrictions ang Batangas.

Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan uli mapapanood sa ere ang liga.

Sa kasalukuyan, mapapanood sa TV5 ang catch-up games ng PBA tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form