Manny Pacquiao, olats laban kay Ugas


Sino nga ba ang mag-aakalang ang isang last-minute na boksingero ang tatalo sa alamat ng boxing?

Bigong masungkit ni 8-division world champion na si Senador Manny Pacquiao ang WBA World Welterweight title laban sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Si Ugas ay last-minute choice matapos umatras si Errol Spence, Jr. sa laban nila ni Pacquiao dahil sa nakatakdang operasyon nito sa mata.

Sa score cards, makikitang hindi kinaya ni Pacquiao ang nakuha ni Ugas na: 115-113; 116-112; 116-112.

Huling lumaban sa boxing ring si Sen. Pacquiao noong 2019 kay Keith Thurman ng America kung saan nanalo si Pacquiao via 12-round split decision.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form