DA WHO: Mag-dyowang nilayasan ang YouTube, sisingilin parin ng tax – BIR


Hindi titigilan ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang mag-dyowang kinansela ang kanilang YouTube channel.

Ayon sa BIR, paraan daw ito ng dalawa upang hindi makapag-bayad ng buwis. Ayon din sa ahensya, kumikita ang dalawa ng P50-100 million sa nakalipas na dalawang taon at nakabili ng mga mamahaling sasakyan at nakapag-patayo pa ng mansyon sa Metro Manila.

Meron daw 11 million subscribers sa YouTube ang mag-dyowangang dagdag ng BIR.

Hindi pa naman pinapangalanan ng ahensya ang couple vlogger.

Makaaran lamang kinumpirma ng vlogger na si Camille Trinidad na wala na ang kanilang YouTube channel ng nobyong si Jayzam Manabat na 'JaMill.'

Sa kaniyang Twitter account, inanunsyo ni Trinidad na deleted na ang YouTube channel nila na mayroong higit 12 milyong subscribers. 

“JaMill is now signing off. Pero Jayzam & camille is ♾,” ani Trinidad. (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form