PBA, naghahanda na sa muling pag-arangkada, everyday na antigen test kinakailangan


Nalalapit na ang muling pag-arangkada ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nito lamang, inaprubahan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang hiling nitong isagawa ang mga laro doon.

Naghihintay lang ang PBA para sa pagkumpleto ng mga kinakailangang dokumento.

Ang 2021 All-Filipino conference na huling umarangkada noong Agosto 1 na may double header sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, ay inihinto makaraan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa buong Metro Manila.

Sa oras na ito, ang mga koponan ng PBA ay magsasagawa ng mga pagsasanay sa iba't ibang lugar sa Pampanga nang hindi bababa sa isang linggo. Inaasahan naman na muling babalik ang liga sa Setyembre.

Isang bubble setup ang isasagawa, kung saan ang lahat ng mga miyembro ay mananatili sa loob ng hotel at pagpunta lamang sa mga venue ng laro.

Ipapatupad naman ang mga bagong protokol. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, lahat ng kasapi sa liga ay sasailalim sa antigen test bago ang bawat laro.  Ang RT-PCR test ay isasagawa ng lingguhan.

"The difference in (RT-PCR) testing, previously it was every 14 days, now it's every seven days. Every game, each team will undergo antigest test in the morning before their game," ani Marcial sa panayam CNN Philippines' Sports Desk Martes.

"If someone tested positive, the person will be isolated and will be retested, close contacts will also be isolated and retested," he added. "If three to four members test positive, the team will stop from participating. If we reach six teams with three to four positive cases, the league will halt the games."

Mabigat na multa at suspensyon ay ipapataw sa mga mahuhuli na lumalabag sa mga protokol.

"I talked to the team captains two days ago in a meeting. Minimum of ₱50,000 to ₱75,000 penalty plus fine and suspension without pay, to anyone even coaches," babala ni Marcial.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form