‘FPJ's Ang Probinsyano’, anim na taon na

Inilabas na ng Dreamscape Entertainment ang official poster ng longest running-action drama na “FPJ's Ang Probinsyano”, ito'y bilang parte ng ika-anim na selebrasyon ng nasabing teleserye.

“Mga Ka-Probinsyano, sama sama tayong mag celebrate! Sunod sunod ang mga sorpresang hatid namin para sa inyo ngayon September sa pagdiriwang ng ika-6 na taon ng ating teleserye,” caption ng produksyon.

Para sa ikaanim na taon, ang rumored couple Coco Martin at Julia Montes sa wakas ay muling nagkasama sa onscreen.

Nitong huling bahagi ng Hulyo nang makumpirma na si Montes ay sasali sa serye pagkalipas ng halos 10 taon mula sa kanilang unang pagpapares sa teleserye na Walang Hanggan noong 2012.

Napapanood ang FPJ's Ang Probinsyano tuwing 8:00 n.g sa TV5, A2Z sa Free TV. Sa cable naman mapapanood ito sa Kapamilya Channel at CineMo! Gayundin sa Kapamilya Online Live sa YouTube.


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form