Sharon Cuneta, mapapabilang sa FPJ's Ang Probinsyano?


Posibleng makasama na sa longest-running teleserye ng bansa na FPJ's Ang Probinsyano ang Megastar na si Sharon Cuneta. 

Ayon sa artikulo ni Jun Lalin sa news website na NewsKo, sinabi daw ng kanilang source na nakikipag-negosasyon na ang Dreamscape Entertainment sa pangunguna ng head nito na si Deo Endrinal sa management team ni Sharon upang makasama ang aktres sa lock-in taping ng programa sa Ilocos.

Ang maganda naman daw dito ay willing si Sharon na makasama sa teleserye.

Sa ngayon daw ay willing magtrabaho uli si Sharon lalo't masaya daw ito sa magandang feedback na nakuha ng digital film nitong Revirginized. 

Napapanood ang FPJ's Ang Probinsyano, Lunes-Biyernes, 8PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z Channel 11 at TV5.

Napapanood din ang past at advance episodes nito sa IWant TFC at WeTV IFlix.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form