Mga sasabak sa “Sing Galing: Sing-lebrity Edition” kasado na!

Kasado na sa September 18, Sabado ang Sing Galing: Sing-lebrity Edition.

Ito ang weekend edition ng isa sa top-rating show ng TV5 sa weekday primetime.

Ipinakilala na rin ang 12 celebrity contestants na makakasama sa bagong programa ng TV5. Ito ay sina:

• Alex Medina
• Ate Gay
• Hero Angeles
• Boobsie
• Koseph Bitangcol
• Kris Bernal
• Jayson Gainza
• Daisy Lopez aka Madam Inutz
• MC Muah
• Paolo Pangilinan
• Pooh
• Miss Grand International 2020 Samantha Lopez

Maliban sa resident Sing Masters na sina Randy Santiago, K Brosas at Donita Nose at si Viral Zinger Zendee ay may mga bago rin tayong makakasama sa kantawanan tuwing Sabado.

Ito ay sina Dingdong Avanzado, Allan K. at Ethel Booba na makakasama ni OPM hitmaker Rey Valera bilang mga Juke Bosses at ang mga bagong Singtokers na sina Queenay at Billy.

Magsisimula ng umere ang Sing Galing: Sing-lebrity Edition simula September 18, Sabado, 6PM sa TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form