Mayor Moreno, hindi haharangin ang prangkisa ng ABS-CBN kung papalarin maging Pangulo


Sa naging anunsyo ng tambalang Isko-Doc Willie sa pagkapangulo at pagkabise presidente ngayong araw, natanong ang usaping patungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Moreno, na naghahangad na maging Pangulo sa Eleksyon 2022, kung sakaling aprubahan raw ng Kongreso ang prangkisa ng giant network pipirmahan aniya ito ng walang patumpik-tumpik, 'yun ay kung papalarin siyang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

"I made it clear: rule of law. If Congress gives you such privilege and approves it, I will sign it," ani Moreno, Miyerkules.

Sasabak sa karera sa pagkapangulo si Manila Mayor Isko Moreno kung saan magiging running mate niya si Dr. Willie Ong. 

Mayo 5, 2020 nang lumisan sa ere ang ABS-CBN matapos hindi aprubahan ng Kongreso ang prangkisa ng giant network.

Sa ngayon, napapanood ang ilang mga programa ng Kapamilya Network sa free tv sa pamamagitan ng A2Z Channel 11 at TV5. 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form