Record ng Blackwater Bossing, naging mapait 0 win 19 losses


Tatapusin ng Blackwater Bossing ang komperensya ng walang isang panalo sa 0-11 na nagawang makuha ang pinakamahabang losing streak record sa kasaysayan ng liga sa 0-19 sapul pa nu'ng Clark bubble nu'ng isang taon.

Hinigitan nito ang naunang record ng Great Taste/Presto franchise na 0-18 nung 1980’s sa Invitational Conference at All-Filipino Conference.

Nasayang ang tikas nina KG Canaleta, Mike Tolomia at Russel Escoto na pare-parehong rumehistro ng 15 pts. para sa mapait na rekord.   

Dahil sa mapait na 19-games losing streak, sinibak si Blackwater Bossing coach Nash Racela. Papalitan siya ni dating Phoenix Fuelmasters coach Ariel Vanguardia.

Nitong Sabado kontra Meralco Bolts, nauwi sa dikdikan ang kanilang laban dahil sa malaking bentaheng kalamangan sa unang tatlong quarter dahil dumikit ang iskor ng Blackwater Bossing ngunit kinapos sa 104-97 para patibayin ang second spot at pag-aasam sa twice-to-beat advantage papasok ng q'final round kahapon sa 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Samantala, sa pagpasok ng ika-4 na linggo ng closed-circuit bubble ng 46th PBA Philippine Cup, ilang mga koponan ang nag-aasam na makasama sa huling listahan ng quarterfinal round na lalo pang pinasikip ng pagwawagi ng Terrafirma Dyip sa mas tumitinding huling linggo ng elims sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form