Kapatilya is Real! TV5 at ABS-CBN, may mas magandang pasabog?

Tila tuloy na tuloy na ang mas pinatinding partnership sa pagitan ng TV5 ni Manny V. Pangilinan at ABS-CBN Corporation ng pamilya Lopez.


Ayon sa artikulo ng Bilyonaryo, posibleng sa July 1 na ang launching nito, isang araw pagkatapos bumaba sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kilalang nanguna sa pagpatay sa prangkisa ng embattled media giant.

Ayon sa source ng Bilyonaryo, nasa huling stretch na ang pag-uusap nila MVP at ni Carlo Katigbak, ang kasalukuyang Presidente ng ABS-CBN.

Hindi pa daw malinaw kung sino sa grupo nina Pangilinan o grupo ng mga Lopez ang mangunguna, pero malinaw na pag-iisahin na ang resources ng dalawang media companies.

Tila magandang pangyayari ito dahil mas gaganda ang creative powers ng TV5 na matagal na nawala sa kompanya, at magiging daan din ito sa muling pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV, dalawang taon matapos mabasura ang prangkisa nito.

Kung sakali, hindi na blocktimer ang ABS-CBN dahil 50/50 na ang magiging hatian nito at TV5.

Sa ngayon, wala pang pormal na kumpirmasyon mula sa management ng ABS-CBN at TV5.


- Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form