Unang apat na MMFF Entries, inilabas na; Vice Ganda at Coco Martin, pasok sa MMFF



Muling nagbabalik sa MMFF arena ang dalawa sa tatlong box office stars ng festival na sina Vice Ganda at Coco Martin.

Ito ay matapos inanunsyo ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang unang apat na pelikulang pasok sa taunang Metro Manila Film Festival 2022.

Ito ay ang mga pelikulang:

- "Labyu with an Accent" ng ABS-CBN Film Productions na pagbibidahan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa ilalim ng direksyon ni Rodel Nacianceno (tunay na pangalan ni Coco)

- "Nananahimik ang Gabi" ng Rein Entertainment Productions na pagbibidahan nina Ian Veneracion, Mon Confiado at Heaven Peralejo sa ilalim ng direksyon ni Shugo Praico

- "Partners in Crime" ng ABS-CBN Film Productions at Viva Entertainment na pagbibidahan nina Vice Ganda at Ivana Alawi sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina

- "The Teacher" ng Ten17 Productions na pagbibidahan nina Joey de Leon at Toni Gonzaga sa ilalim ng direksyon ni Paul Soriano

Nakabase ang unang apat na mga pelikulang ito sa mga scripts na isinumite nila.

Kapansin-pansin na walang pelikula ng box office star na si Vic Sotto ang kasama sa apat na ito.

Si Sotto ay isa nang staple ng MMFF sa loob ng 19 years.

Ang huling 4 na mga pelikulang kalahok sa MMFF ay nakabatay naman sa finished film submission at iaanunsyo sa October 15.


- Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form