Tropang LOL, mapapanood na sa TV5, A2Z at Kapamilya Channel; Bayani, excited sa Back-to-Back nila ng It's Showtime



Kung walang pagbabago sa plano, sa July 16 na magsisimulang umere ang back to back airing ng Tropang LOL at It's Showtime.

Ang Tropang LOL ang magiging bagong title ng Brightlight-produced noontime show na Lunch Out Loud na kasalukuyang umeere naman sa TV5, samantalang ang It's Showtime ang noontime show ng ABS-CBN na nasa ere na for almost 13 years on air.

Ayon sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP, sa July 16 inaasahang magsisimula ito at sabayan ding mapapanood sa Kapamilya Channel, TV5 at A2Z Channel 11.

Ayon naman sa isa sa hosts ng LOL na si Bayani Agbayani, masarap daw sa pakiramdam nya na makaka-back to back na nila ang It's Showtime na dati nilang katapat sa noontime slot.

"Happy ako kasi, unang-una, sa tatlong channels na mapapanood ang Tropang LOL - sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5. Malay mo may TFC pa.", saad ni Agbayani.

Dagdag pa nya, "Tapos magtutulungan pa kami ng It's Showtime para lalong mag-rate pareho ang aming shows."

Excited na din daw si Bayani na muling makasama ang mga Kapamilya na dati nyang kasama sa ABS-CBN.

Huling napanood sa ABS-CBN si Bayani sa I Can See Your Voice, bago mawalan ng prangkisa ang embattled media giant.


- Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form