TV5 at ABS-CBN Partnership, posible kaya maudlot? MVP, mas higit pa sa 50% daw ang gusto!



Tila may ilang isyu pa na kailangang ayusin bago maipatupad ang inaasahang partnership sa pagitan ng ABS-CBN Corporation at MediaQuest Holdings, kung ang artikulo ng news website na Bilyonaryo ang pagbabasehan.


Imbes kasi na 50/50 partnership deal, iba ang gusto ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.


Ayon sa artikulo ng Bilyonaryo, nais daw ni MVP na ang TV5 ang magkaroon ng mas malaking kontrol sa naturang deal kung saan mas higit sa 50% ang kukunin nitong parte.


Ayon sa source daw ng Bilyonaryo, ang content at mga artista daw kasi ng Lopez-led content provider ang nakikita ni Pangilinan na susi upang mabawi ang mga nalugi nito nung kinuha sina Megastar Sharon Cuneta, Aga Muhlach at iba pang malaking artista.


Sa usapin naman daw ng pagpasok ng TV Patrol sa TV5, kumontra dito sa News5 Chief Luchi Cruz-Valdes.


Ayon daw sa source nito, nakiusap si Valdes kay Pangilinan na kung maaari ay panatilihin na lang ang Frontline Pilipinas bilang major newscast ng TV5.


Hindi rin daw kontra ang Malacañang sa naturang deal, basta't ang kondisyon, hayaan na lang sa A2Z at Kapamilya Channel ang TV Patrol.


Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon ang TV5 at ABS-CBN kung tuloy na nga ba ang partnership deal o posibleng maudlot dahil sa ilang gusto ni MVP.


- Rob Caluag, Kapatid Insider


SOURCE: https://bilyonaryo.com/2022/07/24/valuation-tv-patrol-remaining-issues-mvp-group-to-retain-majority-in-planned-tv5-abs-cbn-merger/

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form