ABS-CBN, TULOY ANG PARTNERSHIP SA IBA'T-IBANG KOMPANYA KASAMA ANG TV5

 


Sa isinagawang stockholders meeting ng ABS-CBN Corporation, siniguro ni ABS-CBN President Carlo Katigbak na ipagpapatuloy ng kompanya ang partnership nito sa ibang TV networks, tulad ng TV5.


Ayon kay Katigbak, "content licensing" at "content sharing agreements" na daw ang business relationship sa pagitan ng Lopez-led content provider at ng Pangilinan-led TV network.


"We continue to work with TV5 and other partners. As of today, our partnership (with TV5) has taken the form of content licensing and content sharing agreements", ayon kay Katigbak.


Tila patunay ito na malaki ang naitulong ng TV5 sa ABS-CBN lalo na sa TV ratings.


Pagmamalaki ni Katigbak, mula sa 2.1% noong nag-shutdown ang ABS-CBN noong 2020, tumaas sa 9.6% o 27% ng audience share ang nakuha ng ABS-CBN.


Maliban sa TV5, tuloy-tuloy din daw ang partnership ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11, ang TV network ng ZOE Broadcasting Network at GMA Network, sa pamamagitan ng mga pelikula nila mula sa ABS-CBN Film Productions at sa sister companies nito na Black Sheep Productions at Skylight Films.


Kasalukuyang napapanood sa TV5 ang ilang ABS-CBN Entertainment shows na: It's Showtime, FPJ's Ang Probinsyano, 2 Good 2 Be True, A Family Affair, Love in 40 Days, Idol Philippines, ASAP Natin 'To!, FPJ Da King at ang upcoming series na Mars Ravelo’s Darna, halaw sa sikat na komiks ng yumaong comics creator na si Mars Ravelo.


- Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form