65-35 deal ng ABS-CBN at TV5, malapit nang maselyohan

 


Ilang tulog na lang, selyado na ang mas pinalawak na samahan ng ABS-CBN Corporation at ang MediaQuest Holdings, ang kompanyang humahawak sa TV5.


Ito ang kinumpirma ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan sa isang financial briefing ng PLDT.


Ayon sa naging usapan ni Pangilingan at ng Lopez-led content provider, ang ABS-CBN ang magiging investor para sa TV5.


Base sa napag-usapan ng dalawang malaking media organizations, ang 65% ay mapupunta sa TV5 ng MediaQuest Holdings at 35% ay mapupunta sa ABS-CBN.


"The model we are working on is it will be a joint venture between TV5, using the platform of TV5 as the free-to-air broadcast platform of both TV5 and PLDT Group and the ABS-CBN group," saad ni Pangilinan.


Paglilinaw nya, hindi nila naman binibili ang ABS-CBN o anumang shares galing sa naturang kumpanya.


Hindi na rin daw nito kailangang dumaan sa Philippine Competition Commission at National Telecommunications Commission. 


Target nila na mase-selyohan ito ng naturang deal sa mga susunod na linggo, posible sa Agosto o Septyembre.


- Rob Caluag, Kapatid Insider


SOURCE: https://news.abs-cbn.com/business/08/04/22/mvp-signing-of-abs-cbn-tv5-joint-venture-nears

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form