Popstar Royalty Sarah Geronimo, nag-"voice" out na sa spekulasyong lilipat na raw s'ya sa ibang istasyon.



Mananatiling "Kapamilya" ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Ito ay matapos lumabas ang isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP. Ayon sa kanilang source, nakatakdang magbalik sa sunday noontime show na ASAP Natin 'To! sa July 2022 kung saan mapapanood ito isang beses sa isang buwan. Matatandaang nagkaroon ng mga haka-haka na diumano'y lilipat si Sarah sa GMA Network matapos lumabas ang isang artikulo na diumano'y nabili na ng Kapuso Network ang franchise ng The Voice, ang sikat na reality singing competition na hawak ng ABS-CBN simula pa noong 2013. Kalaunan, napatunayan na peke ang naturang artikulo. Si Sarah ay unang napanood sa ASAP noong 2004 at huling napanood nitong October 2020. Ang ASAP Natin 'To! ay napapanood tuwing Linggo, 12NN sa TV5 at sa ibang platforms ng ABS-CBN Entertainment sa free TV, cable at digital.

– Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form