"WOMAN IN ACTION, SIMULA NA SA OCT. 1; GRETCHEN HO, EXCITED NA PARA SA KANYANG BAGONG PROGRAMA"




Excited na ang Kapatid news personality na si Gretchen Ho sa pagsisimula ng kanyang bagong show na "Woman in Action".

Ang Woman in Action ay magsisimula na sa October 1, 7:30PM sa One News CH. 8 (SD) at CH. 250 (HD) sa Cignal. Mapapanood din ang re-run episodes sa parehong araw sa One PH na available naman sa cable at digital free TV.

Bilang isang travel show, sinabi ni Ho na mas mag-eexpect ang tao na mapapanood nila ang mas natural na Gretchen Ho, na ibang iba sa napapanood nila sa Frontline sa Umaga sa TV5 at sa The Big Story.

Asahan din daw ng mga manonood na mailalahad ng maayos ang mga kwentong ipapakita sa Woman in Action.

Masaya ding sinabi ni Ho na sya mismo ang pumili ng mga staff na nakasama nya sa Woman in Action, mga nakasama na daw nya dati sa ibang mga programang ginawa nito.

Malaki din ang pasasalamat ni Ho sa Cignal para sa pagbibigay nito ng tiwala sa kanya para sa ganitong klaseng programa.

Dagdag ni Ho, magkakaroon din daw ng public service portion ang Woman in Action.

Umaasa din si Ho na makakapag-bitbit sya ng mga sponsors sa mga lugar na magiging sentro ng WIA kada episode, kabilang dito ang ilang Non-Governmental Organizations na kung saan kasama si Ho.



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form