PHILPOP NG TV5 AT HIMIG HANDOG NG ABS-CBN, MAGSASANIB-PWERSA

 


Sa isang pambihirang pagkakataon, pormal na nagsanib-pwersa na ang dalawa sa pinaka-sikat na songwriting competition sa Pilipinas.


Pormal nang nagkaroon ng kasunduan ang PhilPop Musicfest Foundation at Himig Handog para sa 1st PhilPop Himig Handog Songwriting Festival, isang inisyatibo para ipakilala ang galing ng mga awiting Pilipino sa international scene.


Mula sa mga submission of entries, 25 dito ang ipa-prioritize bilang sponsored entries, tig-5 ang manggagaling sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao, 10 ang mismong pipiliin ng SMART at 30 mula sa iba pang submitted entries.


Ang mananalo dito ay magwawagi ng P1 million, P500,000 para sa 2nd placer at P200,000 para sa 3rd place.


Ang PhilPop o Philippine Popular Music Festival ay inilunsad noong 2012 na nakapag-bigay na ng ilang di malilimutang awiting Pilipino tulad ng "Dati". Ang PhilPop ay binuo nina National Artist Ryan Cayabyab, administrator and communications director Patricia Bermudez-Hizon at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.


Ang Himig Handog naman ay isa ring song-writing festival na nakapag-bigay na rin ng mga tumatak na awitin tulad ng "Mahal Kita Pero", "Titibo-Tibo", "Kahit Na" at iba pa.


Ang Himig Handog ay brainchild ng ABS-CBN Corporation.


- Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form