MALING REPORT SA FRONTLINE SA UMAGA, USAP-USAPAN; AGAD DING HUMINGI NG PAUMANHIN





Usap-usapan kanina sa Twitter ang maling report ng TV5 morning newscast na Frontline sa Umaga ukol kina Vice Ganda at Marian Rivera.

Sa September 1 episode ng naturang morning newscast, sinabi dito na diumano'y natuldukan na daw ang isyung iringan sa pagitan nina Vice at Marian.

Kaagad namang na-call out ang team ng Frontline sa Umaga.

Sa kanyang Twitter account, nagpahayag ng kanyang pagka-dismaya si Vice sa naturang programa kung saan mali ang nai-report na balita, na agad namang pina-imbestiga at ipinarating ni Frontline sa Umaga anchor Gretchen Ho sa mga producers ng programa.

Pero tila nadismaya uli si Vice sa sagot ng News5 showbiz reporter na si MJ Marfori.

Meron kasing nilagay na "haha" na emoji si Marfori sa dulo ng kanyang post, na kina-inis ni Vice, ngunit agad ding humingi ng pasensya si Marfori.

Ngayong umaga, pormal ding humingi ng pasensya ang Frontline sa Umaga sa kampo ng mga dawit na personalidad dahil sa maling report.

- Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form