SENATOR RAFFY TULFO, WALA RAW NAKIKITANG MALI SA TV5×ABS-CBN PARTNERSHIP DEAL; MIGHTY MAGULANG, SINABING DI MAKA-MOVE ON SI MARCOLETA


Sa paningin ni Sen. Raffy Tulfo, walang masama sa joint venture deal ng ABS-CBN Corporation at MediaQuest Holdings, ang kompanyang humahawak sa TV5.


Sa programang Headstart sa ABS-CBN News Channel, inilarawan ni Tulfo na "dream team" ang partnership sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.


Dagdag ni Tulfo, sasangguni pa rin ito sa ilang propesyonal tungkol sa deal ng dalawang media company kung may violations ba ito, pero kung wala naman daw ay hahayaan nya at susuportahan ito.


Si Tulfo ay kasalukuyang napapanood sa One PH at napapakinggan sa FM radio station ng TV5 na Radyo5 92.3 News FM, at minsan na ding napanood sa ABS-CBN shows tulad ng Gandang Gabi, Vice at ASAP Natin 'To!.


Habang nagbigay naman ng reaksyon ang TikTok influencer na si Mona Magno-Veluz o mas kilala bilang Mighty Magulang kay SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta sa issue ng violation daw umano sa investment deal ng ABSCBN at TV5 


Sinabi ni Mighty Magulang na tila 'di raw maka-move on si Marcoleta, nagbiro rin ang TikTok influencer na baka raw "ni-reject" s'ya umano ng ABS-CBN Talent Agent kaya raw nagtatatalak ang SAGIP party-list Representative.


"Hindi sya maka-move on. Rejected ba siya ng ABS-CBN Talent Center dati?" saad ng natural influencer sa kanyang Twitter Account.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form