OGIE DIAZ, UMALMA SA BITTERNESS NI MARCOLETA

"Juice ko po, sir. Sumunod naman, pero ayaw nyong tanggapin. Ngayong bumili ng shares, me kuda pa din kayo. Sa panahon ngayon, kailangan ng pera ng gobyerno. Ikaw ba sasagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho? O ikamamatay mo pag nangyari yung ayaw mo? Move on ka na po."


Sa kanyang social media account, napa-"Juice ko po" na lamang ang talent manager na si Ogie Diaz kay SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta dahil ayaw daw umano nitong tanggapin ang partnership ng ABS-CBN at TV5 at di pa raw mag-move on na sa tila galit nito sa ABS-CBN.


Sa kanyang Twitter post, hindi maintindihan ni Diaz ang galit ni Marcoleta sa ABS-CBN.


Aniya, sumunod naman daw ang ABS-CBN sa batas, pero tinanggalan nila ng prangkisa; ngayong bumili naman daw ito ng stocks sa TV5 ay binanatan pa din.


Tanong din ni Diaz kay Marcoleta, kaya ba nitong sagipin ang lahat ng empleyado lalo na kung pati prangkisa ng TV5 ay pinag-iinitan na din.


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form