MVP, NAGSALITA NA; BINATIKOS ANG MGA KONTRA SA ABS-TV5 INVESTMENT DEAL


Binatikos ni PLDT Chairman Manny V. Pangilinan ang ilang grupo at personalidad na bumabatikos sa partnership ng MediaQuest Holdings sa ABS-CBN Corporation.


Matatandaang nitong nakaraang linggo, na-selyohan na an investment deal sa pagitan ng Lopez-led content provider at Pangilinan-led TV network.


Ayon kay MVP, napaka-liit lang daw na istasyon ng TV5 kaya't hindi daw nya maintindihan kung bakit itinuturing na major media organization ang Kapatid Network.


Ayon daw kay MVP, wala pa sa P2 billion ang kita ng istasyon, at hindi daw nito kayang makapag-tapatan sa GMA Network, ang kasalukuyang leading TV station matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form