Beteranong photojournalist Melvyn Calderon, punanaw na

 


Pumanaw na ang kilalang batikang photo journalist na si Melvyn Calderon, na mas kilala sa programang ‘Wag Po! bilang “panginoon”. 


Sa isang Facebook post, kinumpirma ng kaniyang malalapit na ka-trabaho ang pagpanaw ni Calderon.


Inalala ng kaniyang kaibigan na si Manny Mogato, isang Pulitzer Prizes winner, ang pagiging bukas-palad at pagiging may-malasakit nito sa trabaho.


“Melvyn was in the front seat of history but he was generous and brotherly caring. I remember him cooking for hungry journalists covering the Abu Sayyaf in the south,” aniya.


Bilang isang photojournalist, inilahad naman ni Ed Lingao na walang katulad si Calderon pagdating sa kanyang propesyon.


“He was like no other, on that point there was general agreement between those who loved him deeply and those whom he made very uncomfortable,” ani Lingao.


Bahagi si Calderon ng programang ‘Wag Po! ng One PH at Radyo5, kung saan binansagan siya bilang panginoon.


Isa lang ang “The Birds of Tubbataha” sa mga kilalang kuha ng batikang photojournalist sa kaniyang naging propesyon.


Si Calderon ay isa sa mga naaresto noong panahon ng Batas Militar sa ilalim ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.


- Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form