NEW ISSUE NA NAMAN; MATEO PINAGSABIHAN SI ALEX SA TROPANG LOL, ALEX DINAAN SA TWEET ANG PATUTSADA


Tila hindi tapos ang isyu sa Brightlight-produced noontime show na Tropang LOL.


Matapos batikusin ng fans ng K-Pop group na Super Junior dahil daw sa isang "insensitive question" sa segment nilang MariTest, usap-usapan uli ang 1-year old pre-noontime show dahil naman sa dalawang host nito.


Sa isang episode kasi, pinagsabihan ng guest co-host na si Matteo Guidicelli ang mainstay host na si Alex Gonzaga tungkol sa pagbibiro nito sa mga naging past relationships nila.


Ani ni Matteo, respeto na lang daw para sa kanilang mga ka-relasyon ngayon.

"Napaginipan ko to kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako, Lex, tigil na natin pagbiro sa mga asawa natin dahil mga ex na 'yan eh. Tapos na 'yon at maawa naman tayo kay konsehal at sa asawa ko. Dahil kagabi umiyak na talaga ako dahil sa'yo. Dahil nasasaktan ako para sa asawa ko... tigilan na natin... So Tropang LOL, I-respeto natin ang mga asawa natin." ani nya sa August 11 episode ng naturang palabas.


Si Matteo ay kasal kay Popstar Royalty at Kapamilya singer Sarah Geronimo, samantalang si Alex ay kasal kay Lipa City, Batangas Councilor Mikee Morada.


Sa kanya namang Twitter account, tila sinabi ni Alex na okay lang kahit maraming tao ang may ayaw sa kanya, basta't ang importante daw ay ang kanyang sarili.

"Some people won't like you but that's okay as long as you still like yourself and the person you can be" tweet ng artista noong Agosto 10.

Napapanood ang Tropang LOL mula Lunes-Sabado, 11AM sa TV5 at sa ibang platforms ng ABS-CBN Entertainment.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form