"HAPPY RETIREMENT" ROBERT P. GALANG RETIRES AS TV5 & CIGNAL PRESIDENT AND CEO


Bagama't wala pang kumpirmasyon mula sa kanyang kampo, tila binulgar na ng News5 anchors na sina Cheryl Cosim at Julius Babao ang balita.

Magre-retiro na bilang Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Cignal TV/TV5 si Robert P. Galang.

Pebrero 2020 nang pumasok si Galang bilang Presidente at CEO ng Kapatid Network, kapalit ni ngayo'y MediaQuest Holdings President Jane Basas. 

Sa panahon ni Galang umusbong ng todo ang TV5 sa labanan ng ratings game.

2021 maituturing na "prime years" ito ng TV5 dahil nag #2 ito sa ratings game, behind industry leader GMA Network.

Sa panahon din ni Galang dumami ang entertainment content providers ng TV5, tulad ng Viva Entertainment, Brightlight Productions, Cignal Entertainment, Archangel Media at iba pa.

Pero sa mas tumatak sa panahon ni Galang ang naging partnership deal ng TV5 sa ABS-CBN Corporation, ang pinaka-malaking content provider ngayon sa Pilipinas.

Sa ngayon, inaantay pa ang pormal na anunsyo ni Galang ukol sa nalalapit nitong retirement mula sa Kapatid Network.

1 Comments

  1. Dapat si Cardinal Luis Antonio Tagle ang bagong pangulo ng TV5 at Cignal Inc.

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form