DINA BONNEVIE KINUMPIRMANG SI ALEX GONZAGA ANG PINASARINGAN N'YA NOON NA MA-ATTITUDE!

Sa programang #FastTalkWithBoyAbunda, kinumpirma ng veteran actress na si Dina Bonnevie na si #TropangLOLTV5 host Alex Gonzaga ang pinasaringan nya noon ukol sa pagkakaroon ng ka-trabahong ma-attitude.


Matatandaang naging kontrobersiyal si Alex Gonzaga nitong nakaraan dahil sa ginawang pagpahid n'ya ng frosting ng cake sa isang waiter noong nag-celebrate sila ng kaarawan niya. Makalipas ang ilang linggo, nag-celebrate naman ng birthday si Dina Bonnevie at tila sinabihan ang naghahawak ng cake na 'wag daw mag-alala't 'di s'ya papahiran nito, bagkus magpapasalamat pa raw sa trabahong ginagawa nila.


Nagkasama sina Bonnevie at Gonzaga sa TV5 serye na "P.S I Love You", kung saan nakasama din nila si Nadine Lustre na umarangkada ang karera matapos sumikat ang JaDine loveteam.


4 years ago, sinabi ni Bonnevie sa kanyang blind item na mas naunahan pa daw ng supporting actress ang lead actress sa isang teleseryeng pinagsamahan nila noon.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form