ZABALLERO, BAGONG PRESIDENTE NG TV5; BASAS, BALIK-PRESIDENTE NG CIGNAL TV.



Kinumpirma na ng TV5 sa pamamagitan ng news department nito na News5 na uupo na bilang bagong President at Chief Executive Officer (CEO) ng Kapatid Network si Guido Zaballero. 


"Marami kaming bagong pakulo rito sa Singko! Siguradong matutuwa lahat ng mga Kapatid natin!", pagtitiyak ni Zaballero sa mga solid nating Kapatid. 


Bago umupo bilang pinuno ng TV5, minsan ding hinawakan ni Zaballero ang pagiging Chief Revenue Officer (CRO) ng Cignal TV, at naging Marketing Head din nito.


Si Zaballero na ang ika-anim (6) na President and CEO na uupo sa TV5, 12 taon matapos bilhin ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan through his media company, MediaQuest Holdings ang Channel 5 mula sa angkan ni Tonyboy Cojuangco. 


Sa kabilang banda naman, magbabalik si Jane Basas bilang CEO ng Cignal TV. Mananatili parin siyang CEO ng MediaQuest Holdings na siyang parent company ng Cignal TV at TV5.



Minsan ding hinawakan ni Basas ang posisyon na President and CEO ng Kapatid Network noong July 2019 bilang kapalit ng nag-retirong si Coach Chot Reyes, ngunit di tumagal ng isang taon sa pwesto si Basas matapos itong palitan ni Robert Galang noong February 2020.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form