MTRCB, naglabas na ng pahayag patungkol sa issue sa "FPJ's Batang Quiapo"

 



Naglabas ng pahayag ngayong araw ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay sa ABS-CBN series na #FPJsBatangQuiapoTV5.


Kaugnay ito sa issue tungkol sa isang eksena ng karakter ng veteran actor na si Rez Cortez na gumaganap bilang isang muslim.

Puna kasi ng ilan nating mga Kapatid na muslim, tila pinapakita ng serye na diumano'y "tino-tolerate" ng karakter ni Cortez bilang isang muslim ang pagnanakaw ni Tanggol, na ginagampanan ng bida nitong si Coco Martin.

Dahil dito, naglabas ng kanyang hinaing si Lanao del Sur 1st District Rep. Ziaur-Rahman Alonto Adiong at pinuna ang Feb. 14 episode ng serye.

Sa statement naman ng MTRCB, humingi na daw ng pasensya sa ahensya ang ABS-CBN Entertainment, Dreamscape at CCM Film Productions, mga production companies sa likod ng Kapamilya/Kapatid teleserye sa nangyari at nangako na makikipag-ugnayan sa ahensya upang di na maulit ang ganitong pangyayari.

Napapanood ang #FPJsBatangQuiapo mula Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa TV5 sabay sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo at A2Z.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form