Matatandaan na nitong weekend, naglabas ng isang memo ang pamunuan ng UAAP sa ilang media organizations na bawal na raw mag-record ng ilang videos ng UAAP kahit pa short clips lang, alinsunod daw sa kagustuhan ng Cignal TV.
Bansag ng ilan, "sugapa" o "bwakaw" sa exclusive rights ang Chairman ng Cignal TV na si Manny V. Pangilinan.
Dagdag ng ilan, lalo daw nilang na-miss ang ABS-CBN Sports, at kinukumbinse pa ang UAAP na lumipat na lang sa GMA Sports.
Matatandaang lumipat ang UAAP sa Cignal TV noong October 23, 2020, matapos nitong maging tahanan sa loob ng dalawang dekada ang ABS-CBN Sports bago hindi bigyan ng legislative franchise ng House of Representatives ang ABS-CBN Corporation.
Tags
Television