TROPANG LOL OUT, FACE TO FACE IN?



Muli na nga bang magbabalik sa ere ang nag-iisang "Barangay Hall on air"?!


Ayon sa "reliable" source ng veteran comedian at talent manager na si Ogie Diaz, nakatakda na daw magbalik sa TV5 ang well-loved Kapatid program na Face to Face, na iho-host na ng TV host-actress-singer na si Karla Estrada at creative comedian na si Alex Calleja.


Base daw sa source ni Diaz, nakatakdang umere bandang May 2023 ang Face to Face reboot mula Lunes hanggang Biyernes, 11AM-12NN bilang pre-programming ng noontime show na It's Showtime ng ABS-CBN Entertainment sa TV5.


Dahil daw dito, nakatakdang magpaalam sa April 29 ang Tropang LOL ng Brightlight Productions, matapos ang halos tatlong (3) taon nito sa ere.


April 15 daw ang original date ng finale ng Tropang LOL, ngunit nakiusap daw ng additional 2 weeks ang team ng programa bago ito mamaalam.


May posibilidad din daw na ilipat na lang sa 3-4PM o 4-5PM ang timeslot ng programa.


Unang nagsimula bilang noontime show ng TV5 ang Tropang LOL na dating Lunch Out Loud (LOL) mula October 19, 2020 hanggang July 15, 2022.


Kasabay ng mas pinalawak na partnership ng TV5, Brightlight Productions at ABS-CBN Corporation, lumipat sa 11AM ang Tropang LOL at nagsilbing pre-programming ng It's Showtime, na sabay na ding napapanood sa A2Z, Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel.


Sa ngayon, wala pang sagot ang pamunuan ang TV5 at Brightlight Productions ukol sa isyung ito.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form