TRIO PASABOG NG TV5 NGAYONG 1ST QUARTER NG 2023, KASADO NA

 


Kasado na ang tatlong "malalaking" pasabog ng TV5 ngayong unang mga buwan ng 2023 para sa bawat Ka-Tropa, Kaibigan, Madlang Pipol, Kapamilya at mga Kapatid. 


Matapos ang halos isang taon, muling magbabalik sa original timeslot nito na 12:00NN ang Kapatid noontime show na #ItsShowtimeTV5 mula sa ABS-CBN Entertainment.


Ito ay matapos makumpirma ng ating reliable source ang pamamaalam sa ere ng Kapatid pre-noontime show na #TropangLOLTV5, na mageere na ng kanilang farewell episode sa April 29 (Saturday).


Unang umere sa TV5 ang #ItsShowtimeTV5 noong July 16, 2022, kasabay ng mas pinalawak na partnership sa pagitan ng TV5 Network at ng #1 content provider ng Pilipinas, ang ABS-CBN Corporation.


Samantala, kasado na rin ang pagbabalik ng tinaguriang "Barangay Hall on air" sa free TV, ang #FaceToFaceTV5 na iho-host ng TV host-singer na si Karla Estrada at creative comedian na si Alex Calleja.


Sa katunayan, nai-post ni Karla sa kanyang Facebook page noong March 22, 2023 ang tila meeting sa TV5 Media Center para sa pagbabalik ng well-loved Kapatid program.


Sa kabilang banda, tuloy ang partnership ng Brightlight Productions sa Cignal Entertainment at MediaQuest Holdings, ang parent company ng TV5 para sa mas pinalawak na samahan ng dalawang kompanya.


Sa katunayan, naka-kasa na daw ang 6 na bagong programa mula sa Brightlight katuwang ang Cignal at MediaQuest.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form